GMA Logo Marian Rivera
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Marian Rivera, nakaramdam ng separation anxiety matapos ang 'Balota'?

By Dianne Mariano
Published October 17, 2024 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ayon kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, napamahal siya sa lahat ng bumubuo ng pelikulang 'Balota.'

Ikinuwento ng award-winning Kapuso actress na si Marian Rivera na sobrang napamahal siya sa lahat ng bumubuo ng pinagbibidahan niyang pelikula na Balota.

Sa naganap na media junket kamakailan, ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen na pamilya ang turingan ng lahat sa isa't isa sa set ng pelikula. Katunayan, nakaramdam pa siya ng separation anxiety matapos ang huling taping day ng Balota.

“Kapag nandoon kami, kakain kami ng lunch, all together talaga, magdi-dinner kaming lahat. Tapos kapag, halimbawa, may eksena 'yung isa, nandoon lang kaming lahat, naghihintay kami.

“So parang naging as family talaga kami doon. Kaya nga sabi ko, nagkaroon ako ng separation anxiety after the last shooting day,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Marian, naiyak siya pagdating sa sasakyan at tinawagan ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes.

“Ibig sabihin lang no'n, sobrang napamahal ako sa kanila,” ani ng aktres.

Samantala, sa pagsalang ni Marian sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan ay inilarawan niya kung sino si Teacher Emmy para sa kanya.

Aniya, “Si Emmy ang teacher na may paninindigan na kahit ano'ng presyo ang ibigay mo sa kaniya, hindi niya ibebenta 'yung boto niya dahil alam niya mahalaga 'yung boto niya.

“At dahil sa boto na 'yun, marami puwede magbago, hindi lang para sa sarili niya para sa pamilya kundi para sa taong bayan na mas nangangailangan ng pagbabago para sa bansa.”

SILIPIN ANG NAGANAP NA PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO: