GMA Logo Joross Gamboa
What's Hot

Joross Gamboa, 'lucky charm' nga ba ng mga kumikitang pelikula?

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 22, 2024 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Joross Gamboa


Ano kaya ang reaksyon ni Joross Gamboa sa bansag sa kanyang "lucky charm" ng box office hits?

Sa kasaysayang ng Pilipinas, tatlong pelikula lamang ang kumita ng mahigit 800 million: Rewind na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera; Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo; at The Hows of Us nina Kathryn at Daniel Padilla.

Sa tatlong pelikulang ito ay mapapanood ang aktor na si Joross Gamboa kaya naman binansagan siyang "lucky charm" ng top-grossing movies sa Pilipinas.

Ayon kay Joross, "blessed" at "grateful" siya na mapabilang sa magagandang pelikulang pumatok sa box office.

"Ako kasi, hindi ako naniniwala sa luck, blessed lang ako na nakakasama ako sa mga magagandang pelikula," sagot ni Joross sa media conference ng Hello, Love, Again, ang sequel sa Hello, Love, Goodbye.

Sa Hello, Love, Again, muling gagampanan ni Joross si Jhim, ang kaibigan ni Ethan, karakter ni Alden, sa Hong Kong na sumama sa kanya papuntang Canada.

Pagpapatuloy ni Joross, "Blessed lang talaga ako. I am grateful na yung mga pelikulang ginagawa ng Star Cinema, at ngayon kasama rin 'yung GMA Pictures, sobrang nakakatuwa. Thank you Lord, all glory to God."

RELATED GALLERY: 'HELLO, LOVE, AGAIN' MEDIA CONFERENCE:

Ang Hello, Love, Again ang kauna-unahang film collaboration sa pagitan ng GMA Pictures at Star Cinema.

Pinagbibidahan ito nina Alden at Kathryn na muling gaganap bilang Ethan at Joy, dalawang taong nagmamahal na muling nagkita sa Canada matapos ang limang taon.

Ipapalabas ang Hello, Love, Again sa buong mundo simula November 13.