
Sa ika-apat na pagkakataon ngayong taon, muling tumanggap ng pagkilala ang batikang aktres na si Sheryl Cruz matapos siyang parangalan ng Philippines Distinct Men and Women of Excellence 2024 bilang Best TV Actress of the Year.
Sa Instagram, taos-pusong nagpasalamat si Sheryl sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
Sulat niya, "Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng 2nd Philippines Men & Women of Excellence sa karangalang ito lalo na kay Direk Romm Burlat ng Gawad Dangal."
"All of these I lift up for the greater glory of God the Father Almighty. Nag uumapaw ang puso ko sa galak, maraming salamat muli!"
Kasalukuyang napapanood si Sheryl sa GMA Afternoon Prime legal-drama na Lilet Matias, Attorney-At-Law tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m.
RELATED GALLERY: Sheryl Cruz was once the ultimate teen queen!