GMA Logo Juan Karlos Labajo in Lolo and the Kid
Source: jklabajo_official/IG
What's Hot

Juan Karlos Labajo, tinanggap ang acting role sa 'Lolo and the Kid' dahil sa isang tao

By Kristian Eric Javier
Published October 24, 2024 4:17 PM PHT
Updated October 24, 2024 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Juan Karlos Labajo in Lolo and the Kid


Alamin kung bakit tinanggap ni Juan Karlos Labajo ang role niya sa pelikulang 'Lolo and the Kid.'

Isa sa mga nangugunang pelikula sa Netflix ang pelikulang Lolo and the Kid na pinagbibidahan ng Forever Young actor na si Euwenn Mikaell, singer-actor Juan Karlos “JK” Labajo, at ni Joel Torre. At ayon sa singer at aktor, naging malapit sa kaniya ang kuwento ng pelikula dahil gaya ng bida, ay laki rin siya sa kaniyang lola.

“It was really fulfilling because I feel like personally, I grew up with my lola and parang when I saw the script, it was really close to me,” sabi ni JK sa vlog ng talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz.

Kuwento pa ni JK ay pinaiyak rin niya ang lola niya dahil sa pelikula, lalo na nang ginawan niya ng cover ang kantang "Through the Years."

“Grabe, sobrang affected si Lola tapos nanood siya ng movie tapos umiiyak siya. Tapos nasasaktan ako kasi hindi na baleng umiyak ako or ang lahat huwag lang si Lola. Alam mo 'yun? Like iba na pag family,” pag-alala ni JK.

Aniya, minura man siya ng kaniya Lola sa Bisaya dahil sa pagpapaiyak niya dito ay alam naman ni JK na proud pa rin ito sa kaniya. Sabi pa ng singer-actor, ang mga opinyon lang ng kaniyang lola at tito, at maging mga taong mahal niya sa buhay lang ang pinapakinggan niya para makaiwas sa negativity.

“Kasi there's so much outside noise. Whatever it is that we do. Pero manggaling lang kay Lola na 'You did a good job,' or ' Be better on this,' 'yun 'yung okay, non-negotiable,” sabi ng singer.

RELATED CONTENT: TINGNAN ANG CELEBRITIES NA LUMAKI RIN SA KANILANG MGA LOLO AT LOLA SA GALLERY NA ITO:


Napag-usapan rin nina JK at Ogie ang tungkol sa kaniyang mga magulang at dito sinabi ng singer na simula nang ipanganak siya, lola na niya ang nagpalaki sa kaniya, kasama ang tito na kapatid ng kaniyang ina. Kaya naman, pag-amin ng singer-actor ay ang pagmamahal na ng lola niya ang nakasanayan niya.

“Hindi lang pagmamahal sa'kin, kundi the way she also loves in general, the way she loves other people. My mom was a huge part of my life din naman, given the circumstances before. It was really my lola and my uncle. My uncle, I call him Papa, he's the brother of my mom, anak ni Lola,” sabi ni JK.

“Sila pa rin 'yung kasama ko ngayon,” pagtatapos ng singer at actor.