
Inilarawan ni Limitless Star Julie Anne San Jose bilang isang malaking pagbabago sa kanyang buhay ang pagpo-pose para sa isang kalendaryo.
Si Julie Anne kasi ang napili bilang 2025 calendar girl ng isang sikat na liquor company.
"Para siyang naging rebirth as a woman sa akin. Kumbaga this is a new chapter of my life din--welcoming new blessings, welcoming new opportunities. I'm just very very excited and looking forward sa mga mangyayari pa," pahayag ng singer-actress.
Masaya rin daw si Julie Anne sa suportang ipinakita ng kanyang boyfriend at kapwa Kapuso star na si Rayver Cruz.
"Rayver has always been so supportive sa lahat ng mga decisions ko," lahad niya tungkol sa nobyo.
"Excited nga siya na magkaroon ng physical copy noong calendar kasi gusto raw niyang ipaskil sa kanyang kwarto," dagdag pa ni Julie Anne.
Simpleng mensahe lang daw ang ilalagay niya bilang dedication sa kalendaryong ibibigay niya kay Rayver.
"I love you. This is for you. Mwah. Love, love," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.
SILIPIN DIN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGING CALENDAR GIRLS DITO: