
Naghatid ng saya at good vibes online sina Marian Rivera at Sassa Gurl sa kanilang bagong video sa TikTok.
Kamakailan lamang ay inupload ng social media star-actress ang video, kung saan sila ng Kapuso Primetime Queen ay naka-in character bilang mga guro.
Sa naturang video, mapapanood ang Balota stars na nag-uusap tungkol sa kanilang natanggap noong Teachers Day. Matapos ito ay nagsimula na ang “chismisan” ng dalawa.
Sa huling bahagi ng video, sinabi Emmy (Marian Rivera) na siya'y manonood ng Balota sa sinehan at sinabi naman ng Sassa Gurl, habang in character bilang guro, na siya rin ay manonood ng nasabing pelikula dahil nandoon ang kanyang paboritong actress na si Sassa Gurl.
“Chismisan ng mga teacher sa faculty:” nakasulat sa kanilang video.
@itssassagurl Ganto pala sila pag walang students! Haha Watch na mga nak ng Balota! Now showing nationwide @Marian Rivera ♬ original sound - Sassa Gurl
Maraming netizens at personalities ang natuwa sa pagsasama nina Sassa Gurl at Marian sa TikTok.
“ICONIC!!” komento ng social media star na si Pipay.
Sabi naman ng content creator na si Jomar Yee, “emi umayos ka jan [laughing emoji].
Kasalukuyan na mayroong mahigit 7 million views at over 1.2 million likes ang naturang video sa TikTok.
@itssassagurl Ganto pala sila pag walang students! Haha Watch na mga nak ng Balota! Now showing nationwide @Marian Rivera ♬ original sound - Sassa Gurl
BALIKAN ANG PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.