GMA Logo Hello, Love, Again
Source: aldenrichards02/IG
What's Hot

'Hello, Love, Again' nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, ipalalabas bilang closing film sa Asian World Film Festival

By Kristian Eric Javier
Published November 4, 2024 4:10 PM PHT
Updated November 4, 2024 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Hello, Love, Again


'Hello, Love, Again,' ipalalabas sa Asian World Film Festival.

Isa ang pelikulang 'Hello, Love, Again' na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa mga ipapalabas sa Asian World Film Festival (AWFF) sa Los Angeles, California.

Inanunsyo ng AWFF na sisimulan nila ang festival sa November 13 at bubuksan ito ng South Korean Film na A Normal Family. Sa November 20 naman matatapos ito kung saan ipapalabas ang Hello, Love, Again.

Ipapalabas din sa festival ang mga pelikulang In the Mood for Love mula Hong Kong, The Wrestler ng Bangladesh, Meeting with Pol Pot mula Cambodia, The Antique ng Georgia, Twilight of the Warriors: Walled In mula sa Hong Kong, Lost Ladies ng India, at marami pang iba.

Ipinapalabas ng AWFF ang iba't ibang pelikula mula sa halos 50 na bansa sa Asia sa Los Angeles para bigyang pagkilala ang magagaling na filmmakers. Paraan din ito para pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng Asian at Hollywood film industries.

Ang Hello, Love, Again ay sequel sa 2019 blockbuster hit movie nina Alden at Kathryn na Hello, Love, Goodbye. Magpapatuloy ang kuwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) limang taon matapos iwan ni Joy ang Hong Kong para sa Canada mula sa unang pelikula.

Dito ipapakita ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers o OFWs pagdating sa kanilang buhay at sa pag-ibig. Mabigyan kaya ng pagkakataon sina Ethan ay Joy na ituloy ang kanilang naudlot na relasyon sa Hong Kong, o manatili pa rin kaya silang sawi sa pag-ibig?

Abangan ang Hello, Love, Again sa Philippine cinemas sa November 13. Ipapalabas din ang pelikula sa iba't ibang bansa tulad ng North America, Middle East, at Asia Pacific.

Panoorin ang report ng 24 Oras Weekend dito:

TINGNAN ANG EMOSYONAL NA PRESS CONFERENCE NG HELLO, LOVE, AGAIN SA GALLERY NA ITO: