GMA Logo Ashley Sarmiento
Photo by: ashleysarmiento_ (IG)
What's Hot

Ashley Sarmiento, naglabas ng sariling kanta na 'Bitter November'

By Aimee Anoc
Published November 4, 2024 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


Pakinggan ang ginawang kanta ni Ashley Sarmiento na "Bitter November" at alamin kung bakit niya naisulat ito.

Pagpasok ng November, isang sad song ang inilabas ng Sparkle artist at MAKA star na si Ashley Sarmiento--ang sarili niyang kanta na "Bitter November."

Ayon kay Ashley, ang "Bitter November" ay tungkol sa breakups.

"Nung mga nangyari last year nu'ng November. Kasi nung November ang daming nagbe-break. So sabi ko ang ganda nung title na 'Bitter November' bakit hindi ko siya gawan ng kanta," paliwanag ni Ashley sa kanyang kanta.

Mapapakinggan na ngayon sa YouTube channel ng teen actress ang "Bitter November," at ilalabas naman ito sa Spotify sa Biyernes, November 8.

Maraming netizens ang pumuri kay Ashley at nagustuhan ang kantang ginawa nito. Ilan sa magagandang komento ay "Ang ganda ng song. Congrats, Ash!" "Another [favorite] current song!" "Nakailang ulit ako. Ganda ng boses."

Congratulations, Ashley Sarmiento!

MAS KILALANIN SI ASHLEY SARMIENTO SA GALLERY NA ITO: