
Humanga ang GMA Integrated News reporters sa husay ng cast ng pelikulang Balota, na pinagbibidahan ni Marian Rivera.
Related gallery: Celebrities na nagpakita ng suporta sa 'Balota' premiere night
Nitong Oktubre ay nagkaroon ng block screening ang GMA Integrated News para sa naturang pelikula sa Quezon City.
Sa panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Mariz Umali at Raffy Tima na nakakadala ang husay ng pag-arte ng cast ng Balota dahil iba't ibang emosyon ang mararamdaman.
“Talagang riveting and talagang nakakadala 'yung pag-arte ni Marian. Talagang nabigyan niya ng hustisya 'yung kanyang role. And, of course, the rest of the cast, talagang maiinis ka, magagalit ka, maawa ka, lahat ng emosyon lalabas talaga dahil sa husay ng mga cast,” ani Mariz.
Dagdag ni Raffy, “Lalong lumabas 'yung kanilang galing dahil sa mga karakter na kanilang pinortray. [Ang] galing.”
Ayon naman kay Darlene Cay, magandang instrumento ang acting prowess ng cast ng Balota upang maiparating sa mga manonood ang mensahe ng pelikula.
“Napakagandang vessel nung acting nila para i-deliver 'yung message sa audience.
“Ang ganda kasi may mix siya ng humor tapos nandoon din 'yung nararamdaman mo 'yung lungkot, 'yung sakit, at saka 'yung galit, kaya sobrang galing. Deserve na deserve niya (Marian Rivera) 'yung Best Actress award,” saad niya.
Para naman kay Lhar Santiago, lalo siyang humanga sa galing ni Marian Rivera sa pag-arte.
Aniya, “Although magaling talaga si Marian pero dito iba, mas gumaling pa at talagang dapat lang siya maging Best Actress for Balota.”
Pinuri rin ng seasoned entertainment reporter sina Sparkle stars Will Ashley, Raheel Bhyria, at Royce Cabrera sa pagiging seryoso at magaling ng mga ito sa kanilang craft.
“Si Will Ashley, isa siya talaga sa magagaling na young actors of this generation. 'Yung nuances talagang makikita mo sa kanya at talagang alam mo na alam niya kung ano 'yung character na pino-portray niya.
“Si Raheel, although mas maikli 'yung role ni Raheel, seryoso [siya]. Alam mong hindi siya naglalaro. Hindi niya binabalewala 'yung kanyang character. And Royce Cabrera, talagang consistent siya pagdating sa pag-arte. Napatunayan na niya na nandoon 'yung consistency ng pagiging mahusay, magaling, at responsableng aktor,” pagbabahagi niya.