
Mas makabuluhang kuwento at exciting adventures ang aabangan ng audience sa 20th anniversary ng multi-awarded news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Tiyak na walang sawa ang mga Kapuso na samahan sa paglipad ang team ng internationally-acclaimed news personality na si Jessica Soho.
Sa isang Facebook video, ipinasilip ni Miss Jess ang bagong billboard ng KMJS na makikita sa EDSA.
Maikling pahayag niya, “Guys, may billboard tayo! Kasi 20 years na ang KMJS, kasama ho kayo diyan. Kasama namin ho kayo sa paglipad sa amin ika-20th year and hopefully beyond.”
Matatandaang muling nag-renew ng kontrata sa Kapuso network si Jessica Soho noong May 2023.
RELATED CONTENT: