
Simula na ng selebrasyon ng pasasalamat ngayong Pasko dahil officially launched na ang pinakahihintay-hintay na 2024 Christmas Station ID ng GMA Network!
Nitong Lunes (November 11) sa 24 Oras, sabay-sabay pinanood ng mga Kapuso ang masayang music video ng kantang "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat." Ibinahagi ng jingle ang tunay na diwa ng Paskong Pinoy, kung saan puno ito ng tuwa, pagmamahal, at pasasalamat.
Sa mismong premiere pa lang ng Christmas Station ID, agad nagbigay ng maraming positive comments ang Kapuso netizens. Sa live chat pa lang, dagsa na agad ang excitement ng viewers na mapanood at mapakinggan at mapanood ang music video. Marami rin ang nagbigay ng kanilang heartfelt messages tungkol sa ipinakitang mensahe ng kanta.
Samantala, panoorin ang 'Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat,' dito o sa video sa itaas.
RELATED GALLERY: Silipin ang celebrities na sumali sa saya ng 'Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat,' sa gallery na ito: