What's Hot

Cloud 7, masaya na makasama sa GMA Christmas Station ID 2024

By Kristine Kang
Published November 13, 2024 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTFRB: PUVs can operate once provisional authority is logged in online verifier
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Cloud 7


Cloud 7 sa pagkanta ng GMA Christmas Station ID: 'It was very fun po, nag-enjoy po kami."

Puno ng good vibes at pasasalamat ang hatid ngayon ng GMA Network sa pinakabagong Christmas Station ID na pinamagatang "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat."

Kasama ang Kapuso celebrities, staff, at GMA Network executives, ipinakita nila ang diwa ng Paskong Pinoy na puno ng pasasalamat, pagmamahal, at tuwa.

Sa unang pagkakataon, kasama rin sa Christmas Station ID ang Sparkle youngest P-pop group na Cloud 7. Gamit ang kanilang talento, dinagdagan nina Lukas, Johann, Egypt, Kairo, Migz, PJ, at Fian ang saya at energy sa kanta.

Sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, ikinuwento ng grupo ang kanilang tuwa at pasasalamat na makasama sa Christmas Station ID ng network.

"It was very fun po, nag-enjoy po kami kasi syempre first time namin makasama sa Christmas Station ID ng GMA Network. Very thankful din kami kasi growing up, syempre kids kami, nakikinig din kami sa mga Station ID ng networks. It's been a part of our journey growing up, 'yung 'pag pasko nakikinig ng Christmas songs at Christmas Station ID," pahayag ni Lukas.

Dagdag pa nila, "Parang nakakatuwa na nandito na po kami and part na po kami ng Christmas Station ID ng GMA."

Bilang paghahanda, binalikan pa ng Cloud 7 ang mga dating Christmas Station ID upang mas maramdaman ang sigla ng Kapaskuhan.

"Nag-research po kami ng past songs ng Christmas Station IDs and syempre po nakinig din po kami ng Christmas songs. In-embody po namin 'yung holiday spirit, the jolly spirit in us para maganda po 'yung kalabasan ng song," sabi ni Lukas.

Tulad ng mensahe ng jingle, labis ang pasasalamat ng Cloud 7 sa mga biyayang natanggap nila ngayong taon. Grateful din sila sa kanilang pamilya, managers, at sa Rainbow fans sa walang sawang suporta na binibigay nila sa kanila.

Silipin ang behind-the-scenes ng recording ng Kapuso stars sa 'Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat' dito: