GMA Logo 2ne1 in Manila
Photo by: daraxxi (IG); chaelincl (IG)
What's Hot

2NE1, nasa Pilipinas na para sa 'Welcome Back' concerts

By Aimee Anoc
Published November 15, 2024 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Moderate to heavy rain in parts of PH on non-working holiday Monday
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

2ne1 in Manila


Filo Blackjacks, humanda na para sa two-night concert ng 2NE1 ngayong November 16 at 17 sa SM Mall of Asia Arena!

Dumating na sa Manila ang legendary K-pop girl group na 2NE1 para sa upcoming two-night concerts na "Welcome Back," na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ngayong November 16 at 17.

Mainit na sinalubong ng Pinoy fans sa airport sina CL, Park Bom, Sandara Park, at Minzy na dumating noong Huwebes ng gabi, November 14.

Isang post na ibinahagi ni GMA Integrated News (@gmanews)

Pagdating ng bansa, agad na ibinahagi ni Sandara sa kanyang Instagram story ang pagkain nitong Jollibee chicken at rice.

Ang two-night concert nila sa Manila ay parte ng kanilang reunion at comeback tour na "Welcome Back," na nagsimula sa Seoul, South Korea noong October 5 at 6.

Magpapatuloy ang kanilang 2024-25 2NE1 Asia tour "Welcome Back" sa Jakarta, Kobe, Hong Kong, Tokyo, Singapore, Bangkok, Kuala Lumpur, Taipei, Ho Chi Minh, at Macao.

Isang post na ibinahagi ni Sandara Park (@daraxxi)

SAMANTALA, TINGNAN ANG 'WELCOME BACK' CONCERTS NG 2NE1 SA SEOUL, SOUTH KOREA SA GALLERY NA ITO: