
Taos-pusong nagpapasalamat ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa mga tumatangkilik ng kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again.
Overwhelmed ang Sparkle artist sa suporta ng kanilang fans dahil nakakuha agad ng mahigit PhP 245 million gross sales ang romantic film sa unang tatlong araw pa lang ng paglalabas nito.
Idinaan naman ni Alden sa Instagram ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa viewers ng Hello, Love, Again.
Aniya, "It was all worth it, every step of the way!
"Our Hello, Love, Again journey became memorable and meaningful because of each one of you.
"Thank you from the bottom of our hearts, for embracing Ethan and Joy with so much love and support once again."
Dugtong pa ng Kapuso star, "Let's all find our way home, we don't love you!
"YOU ALL MADE THIS HAPPEN!"
Sa ngayon, mapapanood sa mahigit 1,000 cinemas ang Hello, Love, Again worldwide.
Collaboration film ng GMA Pictures at ABS-CBN's Star Cinema ang Hello, Love, Again na sequel ng 2019 blockbuster na Hello, Love, Goodbye na isa sa mga highest grossing Filipino film of all time.
Mula ito sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.