GMA Logo TikTok sensation Arman Salon with Romnick Sarmenta and Barbie Forteza
What's Hot

TikTok star Arman Salon, humataw sa aktingan kasama sina Romnick Sarmenta, Barbie Forteza

By Aimee Anoc
Published November 18, 2024 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

TikTok sensation Arman Salon with Romnick Sarmenta and Barbie Forteza


Alamin ang kuwento ng TikTok sensation na si Arman Salon at ang pangmalakasan niyang aktingan kasama ang mga iniidolong sina Romnick Sarmenta at Barbie Forteza dito.

Isang pangmalakasang aktingan ang ipinamalas ng rising social media star na si Arman Salon nang makaeksena ang iniidolong mga artista na sina MAKA actor Romnick Sarmenta at Pulang Araw actress Barbie Forteza.

Tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo (November 17) ang kuwento ng buhay ng kinagigiliwan ngayong content creator at parloristang si Arman Salon.

Nakilala si Arman sa social media dahil sa kanyang nakaaaliw na mga content kung saan makikita ang ilan sa mga pang-heavy drama, thriller, at horror niyang impromptu acting skit.

Bata pa lamang ay pangarap na ni Arman na makapasok sa showbiz at mag-artista. Pero naging mailap ang oportunidad na ito para sa kanya.

Sa ngayon, ang nagsisilbing entablado ni Arman sa pagtupad ng kanyang pangarap ay ang social media. Sa TikTok, mayroon na siyang mahigit 205,900 followers at 2.8 million likes, habang may mahigit 120,000 followers naman siya sa Facebook.

Sa kanyang kaarawan, sinorpresa si Arman ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan pinuntahan siya mismo ng hinahangaan niyang aktor na si Romnick Sarmenta. Dito, nakakuwentuhan ng TikTok sensation ang MAKA actor at kumasa rin sila sa aktingan.

Hindi nagpahuli si Arman sa mabibigat na eksena kasama si Romnick. Umaapaw ang pasasalamat ng social media star sa pagkakataon na kasama ang kanyang iniidolo.

Bukod dito, isa pa sa nagbigay ng sorpresa kay Arman ay ang hinahangaan niyang aktres na si Barbie Forteza, kung saan nakaagaw eksena niya ito sa kunwa-kunwariang audition sa GMA.

Humanga at aliw na aliw si Barbie sa husay ni Arman sa aktingan.

"Ang saya-saya mo kaeksena. Very intense ka umarte. Actually, na-appreciate ko sa 'yo na hindi ka talaga nagbi-break ng character kasi malaking bagay 'yan. Kasi sa set, kunwari umaarte ka, maraming distractions. At saka ang pinaka importante ay puso," ani Barbie.

Panooring ang buong kuwento ng TikTok sensation na si Arman Salon sa Kapuso Mo, Jessica Soho rito: