GMA Logo Jesi Corcuera
PHOTO SOURCE: Family Feud/ @corcuerajesi
What's Hot

Jesi Corcuera, inilahad ang kuwento ng palayaw ng anak na 'Baby Ninja'

By Maine Aquino
Published November 19, 2024 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Jesi Corcuera


Inilahad ni Jesi ang kuwento ng palayaw ni Baby Ninja at ang excitement sa kaniyang panganganak.

Sa pagbisita ni Jesi Corcuera sa Family Feud ay inilahad niya ang paghahanda sa pagdating ng anak niyang si Baby Ninja.

Si Jesi ay isang proud transman at StarStruck graduate. Noong Oktubre ay inilahad ni Jesi ang desisyong sumailalim sa in vitro fertilization (IVF) para magkaroon ng anak.

Ngayong November 18, inilahad ni Jesi sa host ng Family Feud na si Dingdong Dantes ang kaniyang excitement sa pagdating ng anak. Ani Jesi, manganganak na siya sa susunod na buwan.

 Jesi Corcuera and Dingdong Dantes

PHOTO SOURCE: Family Feud

"Excited na nakakatakot. Pero more on excited."

Ikinuwento rin ni Jesi ang pinagmulan ng palayaw ng anak. Tinatawag ni Jesi na Baby Ninja ang kaniyang anak.

Ani Jesi, "Palayaw pa lang siya kasi noong nag-positive ako, namili ako agad ng gamit. Tapos hindi ko masabi kung ano 'yung tawag doon sa tie side na damit. Parang pang-ninja siya 'di ba? Sabi ko, pang-ninja na damit, hinahanap ko doon sa department store. Doon nabuo si Ninja."

Sa isang Instagram post, inilahad ni Jesi sa publiko ang bagong chapter ng kaniyang buhay. Ikinuwento pa ni Jesi ang pagmamahal niya sa mga anak ng kaniyang partner na si Cams.

Isang post na ibinahagi ni Jesi Corcuera (@corcuerajesi)

"Hindi naging madali ang prosesong ito para sa akin kaya sana hindi niyo rin ganun kadaling husgahan kung ano'ng nakikita niyo ngayon. Simple lang naman ang gusto ko, 'yung magkaroon ng matatawag kong sariling akin. Alam kong may mga anak akong inako kay Cams at walang mababago dun sa pagdating ni “Ninja” (nickname ng baby ko Hahaha). Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, malaki ang naging parte ng mga bata at ni Cams sa kung ano ako ngayon."

SAMANTALA, BALIKAN ANG KUWENTO NG PAGBUBUNTIS NI JESI RITO: