
Isang major crossover ang dapat abangan sa pinag-uusapang GMA series na Lilet Matias, Attorney-At-Law at Widows' War.
Malapit nang mapanood ang collaboration ng cast members ng dalawang malaking programa.
Bukod sa istorya sa nalalapit na crossover, kaabang-abang din kung sinu-sino ang mga karakter na mapapanood sa magkabilang serye.
Ilang aktor na ang napanood at napapanood ngayon bilang guest stars sa murder mystery drama na Widows' War. Kabilang sa kanila ay sina Vaness del Moral at Carmina Villarroel na tumawid mula sa kanilang serye noon na Widows' Web.
Nasa serye rin ang former Royal Blood stars na sina James Graham, Lianne Valentin, at Arthur Solinap.
Ang Widows' War ay pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana,
Ipinapalabas ang naturang murder mystery drama mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.
Samantala, ang Sparkle actress naman na si Jo Berry ang bida sa Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Napapanood ang serye mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Samantala, tingnan ang social media stars na napanood sa GMA teledramas: