
Nakatanggan ng nominasyon si Kapuso actress Rhian Ramos ng nominasyon sa Ima Wa Ima Asian Film Festival & Entertainment Special Awards 2024.
Para ito sa kategoryang Best Performance in a Featured Role matapos ang natatanging pagganap niya sa GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.
Gumanap siya dito bilang ina na mag-isang itataguyod ang kanyang mga anak at poprotektahan ang mga ito.
Makakatunggali ni Rhian para sa award na ito sina Ynez Veneracion at Ritz Azul, pati na si Son Yong Kuk ng South Korea, Adone Kudo ng Japan, at Tasha Low ng Singapore.
Gaganapin ang Ima Wa Ima Asian Film Festival & Entertainment Special Awards 2024 sa December 1 sa Sumiyoshi Main Hall sa Osaka, Japan.
Kinikilala nito ang mahuhusay na kontribusyon sa Asian film, TV at new media.
Bukod kay Rhian, nakatanggap din ng nominasyon sa parangal na ito sina Kiray Celis at Kim Ji Soo.