GMA Logo Ivy Violan
Photo by: Aster Amoyo YT
What's Hot

Ivy Violan, nalagpasan ang depresyon dahil sa kanyang ina

By Kristine Kang
Published November 25, 2024 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Ivy Violan


Labis ang pasasalamat ni Ivy Violan sa pagmamahal ng kanyang yumaong ina.

Maraming sumasang-ayon sa ideya na iba ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Puno ito ng suporta, pag-ibig, at comfort sa isa't isa.

Kaya naman para sa beteranang singer na si Ivy Violan, labis na nami-miss nito ang kanyang yumaong ina sa USA. Kuwento nga niya, ang kanyang nanay ay nagsilbing lakas niya para malagpasan ang kanyang mga pagsubok sa buhay.

Sa isang panayam kasama si Aster Amoyo, inamin ni Ivy na nakaranas siya ng depresyon noon sa buhay.

Umabot daw siya na kinekwestyon na niya ang kanyang propesyon bilang artist. "I told myself this and to my mom, 'Ayoko na kumanta. I just like to serve.' I went into mission work for six years [and] almost 10 years , all in all. I just wanted to serve," kuwento niya.

Ngunit dahil sa gabay ng kanyang ina, natuto muli si Ivy na mahalin ang pag-aawit habang maging aktibo sa kanilang simabahan.

"Sabi ng mommy ko, 'You can do the ministry through singing.' So ang minsitry ko ngayon itong gift ni Lord (na kumanta)," dagdag niya.

Inamin din ni Ivy na mahirap siya mag-open up sa tuwing may problema siya. Ngunit dahil sa patuloy na suporta ng kanyang ina, nagkakaroon ang OPM singer ng lakas na loob ikuwento rin ito sa kanyang ina.

"Tita, ako kasi when I'm hurt, I keep it to myself. I pray about it (and) my family knows that. I don't open up," paliwanag ni Ivy. "I talked to my councillor, the best talaga iyon and to my family,"

Matatandaan nag lay low muna ang career ni Ivy nang lumipad siya sa USA. Pero kahit ganoon pa man, hindi niya pinagsisisihan ito lalo na't nakasama niya ang kanyang ina bago pa ito pumanaw.

Sa tanong kung ano ang naalala niya sa kanyang nanay, masayang sinabi ni Ivy, "Beautiful. Everything's beautiful. She did everything for her family. Wala ako masabi."

"I love you mom and I really miss you and whatever you have shared with me, I cherished it, everything."

Inamin din ni Ivy na hanggang ngayon nauulila pa rin siya sa kanyang ina. Ngunit, masaya pa rin niya maalala na nabuhay ang kanyang ina na masigla at puno ng pagmamahal.

"Malaking bagay 'yung nawala sa akin but I'm thankful na she lived a full life," pahayag niya.

Samantala, tingnan ang iba pang celebrities na humarap sa depresyon: