GMA Logo Widows War, Mga Batang Riles
What's Hot

'Widows War' and 'Mga Batang Riles' cast, kumasa sa Suspect challenge

By EJ Chua
Published November 29, 2024 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War, Mga Batang Riles


Napanood n'yo na rin ba ang entries ng 'Widows War' at 'Mga Batang Riles' cast para sa viral Suspect Challenge?

Game na game na kumasa sa bagong TikTok trend na Suspect Challenge ang mga aktor na napapanood at mapapanood sa ilang GMA shows.

Nakisaya sa viral challenge ang ilang cast members ng murder mystery drama na Widows' War at upcoming drama-action series na Mga Batang Riles.

Sa online exclusive na pinangunahan ng GMANetwork.com, tampok ang Widows' War lead actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

May funny entries din para sa kanilang co-stars na sina Lito Pimentel, Timmy Cruz, Royce Cabrera, at Rikki Mae Davao.

Labis na kinagiliwan ng netizens ang video, kung saan makikitang tumatakbo ang ilang cast ng Widows' War habang binabanggit sa kanila ang mga nakatutuwang linya para sa challenge.

Bukod sa kanila, sumabak din sa Suspect Challenge ang ilang aktor na mapapanood sa Mga Batang Riles.

Kabilang sa mga ibinida sa video ay sina Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Ronnie Ricketts, Antonio Vinzon, at marami pang iba.

Samantala, ang Widows' War ay ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., habang ang Mga Batang Riles naman ay malapit nang mapanood sa GMA Prime.