GMA Logo ruru madrid
Courtesy: GMANetwork.com, rurumadrid8 (IG)
What's Hot

Ruru Madrid sa 'Green Bones' at 'Lolong': 'Ang tagal kong hinintay, ang tagal kong pinag-pray'

By EJ Chua
Published December 5, 2024 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Excited na ang Sparkle actor na si Ruru Madrid sa kanyang big projects.

Ang Sparkle actor na si Ruru Madrid ang isa sa most sought-after actors sa Philippine entertainment industry.

Kabi-kabilang proyekto ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ruru, kabilang na ang ikalawang season ng adventure serye na Lolong na ngayon ay pinamagatang Lolong: Bayani ng Bayan.

Bukod dito, abala rin siya inspirational drama film at kanyang kauna-unahang Metro Manila Film Festival o MMFF project na Green Bones.

Kasama niya sa pelikula ang kapwa niya Kapuso na si Dennis Trillo.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ruru, ibinahagi niya kung gaano siya ka-excited sa kanyang mga proyekto.

Ayon sa kanya, matagal niyang hinintay at pinagdasal ang dalawang malaking proyekto na ipinagkatiwala sa kanya.

Pahayag niya, “Itong mga bagay na 'to, ang tagal kong hinintay, ang tagal kong pinag-pray, ang tagal kong pinaghirapan."

“Ngayon na nandito, ayokong sayangin, ayokong ipagsawalang bahala,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, ipinagdiwang ni Ruru ang kanyang 27th birthday nitong December 4, habang siya ay nasa set ng upcoming GMA series na Lolong: Bayani ng Bayan.

RELATED GALLERY: Ruru Madrid, pinatunayan ang dedikasyon sa 'Lolong: Bayani ng Bayan'