GMA Logo Enchong Dee
What's Hot

Enchong Dee, ano ang reaksiyon sa Maris Racal-Anthony Jennings issue?

By Nherz Almo
Published December 7, 2024 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Enchong Dee


Enchong Dee: "Kung anuman ang pinagdadanan nila, kakayanin nila.”

Mainit na usap-usapan ngayon ang kontrobersiyang kinakaharap nina Maris Racal at Anthony Jennings matapos lumabas sa publiko ang kanilang private messages sa isa't isa.

Kaya naman hindi naiwasang matanong ng entertainment press si Enchong tungkol dito matapos ang grand media launch ng pelikulang Topakk, na bahagi ng Metro Manila Film Festival.

Nagsama sina Enchong at Maris bilang isa sa mga bida sa pelikulang Here Comes the Groom, na ipinalabas sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival.

Matipid na sagot ni Enchong, “I think, if there's anything I learned from being a 36-year-old, it's to not give comments about other peoples' lives.”

Gayunman, naniniwala si Enchong na malalagpasan din ng dati niyang co-star ang kontrobersiyang kinakaharap niya ngayon.

Aniya, “We're all adults, so feeling ko, kung anuman ang pinagdadanan nila, kakayanin nila.”

Samantala, narito ang ilang celebrities na nag-react sa pinakamainit na isyu sa showbiz ngayon:

Nagsimula ang isyu tungkol kina Maris Racal at Anthony Jennings nang ilabas ng dating girlfriend ng huli, si Jam Villanueva, ang screenshot ng mga pag-uusap ng dalawang aktor sa publiko. Patunay umano ang mga ito ng panloloko ng aktor sa dating kasintahan.

Ilang araw ang nakalipas, nagbigay ng magkahiwalay na statement sina Maris at Anthony, na parehong humingi ng paumanhin sa publiko.

Ani Maris, “I don't want to play the victim here. Nagkamali rin talaga ako. I want to say sorry to those people I have hurt.”

Bukod kay Jam, nag-sorry din siya sa kanyang mga taga-suporta, "I am truly sorry to those people who supported me for 10 years. For 10 years, alam nilang lahat na ginapang ko yung career ko... Pinaghirapan ko lahat sa tulong nila.”

Sa parte naman ni Anthony, sinabi niya, “Sa lahat ho ng mga nangyari nung nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko, sspecially po si Maris 'tsaka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po."

Kilalanin si Jam Villanueva sa gallery na ito: