
Lumipad patungong Tokyo, Japan ang Pulang Araw stars na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Pambansang Ginoo David Licacuo.
Nasa Tokyo sila bilang bahagi ng Philippine Tokyo Festival 2024.
Nagpasaya sina Dennis at David ng ilang Pinoy na nagtratrabaho sa Japan sa pagdiriwang ng Month of Overseas Filipino Workers.
SILIPIN ANG PAGBISITA NINA DENNIS TRILLO AT DAVID LICAUCO SA GLOBAL PINOYS SA JAPAN DITO:
Bukod dito, namasyal din sina Dennis at David sa Tokyo.
Parehing nagbahagi ang dalawang aktor ng kanikanilang paandar na videos mula sa Japan sa kanilang TikTok accounts.
Sa video ni Dennis, makikitang naglalakad sila ni David sa isang parke habang magkahawak ng kamay. Maririnig din ang kantang "Miss na Miss Kita" mula sa bandang Fathers and Sons.
"Yuta and Hiroshi ," sulat ni Dennis sa kanyang post, pagtukoy sa mga karakter nilang Hapon sa Pulang Araw.
@dennistrilloph Yuta and Hiroshi ✌️🎌 #fyp #foryoupage #loversinjapan @David Licauco ♬ Miss Na Miss Kita (Ang Pagbabalik) - Father & Sons
Sa video naman ni David, makikitang sumasayaw sila ni Dennis sa harap ng isang iconic landmark sa Japan.
"With my idol at Tokyo Tower :)," sulat ni David sa caption ng kanyang post.
@davidlicauco With my idol at Tokyo Tower :) @Dennis #fyp ♬ Disco - Surf Curse
Samantala, patuloy na panoorin sina Dennis Trillo at David Licauco ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.