GMA Logo Jak Roberto
SOURCE: GMA Public Affairs
What's Hot

Jak Roberto opens up about life struggles before showbiz

By Hazel Jane Cruz
Published December 12, 2024 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Paano nga ba naitawid ni Jak Roberto ang kanyang pamilya mula sa hirap patungo sa successful life?

Isa si Jak Roberto sa mga pinakakikiligan at hinahangaang aktor at personalidad ngayon. Ngunit tulad ng nakararami, nakaranas din siya ng paghihirap bago ma-experience ang success ng showbiz.

Iyan ang isa sa mga ibinahagi ng Kapuso actor kina Mikee Quintos at celebrity chef Kuya Dudut nang makapanayam nitong Miyerkulas, December 11, sa GTV cooking talkshow na Lutong Bahay.

Ayon kay Jak, isa sa pinakamahirap na sandali ng kaniyang buhay ang pagyao ng kaniyang ama. Aniya, naranasan niyang rumaket sa iba't ibang trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang ina at kapatid na si Sanya Lopez.

Nabanggit din ni Jak na may pagkakataong nangunguha sila ng talbos ng kamote, kangkong, at iba pang gulay na nakukuha sa likod ng bahay.

Pero sa kabila nito, nanatiling positive si Jak at sinabing, “Kailangan mong harapin, eh. Hindi puwedeng parang puro ka na lang reklamo. 'Yun ang reality, eh.”

“Kumbaga, wala ka nang choice kundi [maging positive] or else titigil kaming mag-aral… Magtitiis ka talaga,” dagdag ni Jak.

Ngayon, bukod sa pagiging hottie actor, busy rin si Jack sa kaniyang business na beauty products, vlogging, pati na rin sa pagpapatayo ng kaniyang dream home.

Ibinahagi rin ni Jak ang kaniyang learnings sa mga pinagdaanan sa buhay.

“Lahat tayo nagdaraan sa hirap, sa hard times; pero sabi nga nila, bilog ang mundo [at] umiikot lang 'yan. Ngayon, nasa baba ka, tapos tuloy mo lang 'yung ginagawa mo [at] kung ano man 'yung hilig mo…”