GMA Logo Mikee Quintos at Kelvin Miranda
What's Hot

Mikee Quintos, niligawan nga ba ni Kelvin Miranda habang ginagawa ang 'The Lost Recipe'?

By Hazel Jane Cruz
Published December 19, 2024 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos at Kelvin Miranda


“Pero kung mas sure siya, baka mas nag-develop [kami],” komento ni Mikee Quintos patungkol kay Kelvin Miranda.

“Oo, meron [time na nanligaw si Kelvin] during [The Lost Recipe].”

Iyan ang pag-amin ng aktres na si Mikee Quintos sa kaniyang birthday special sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama si Hazel Cheffy.

Sa nakaraang December 18 episode ng Lutong Bahay, matapang na sinagot ni Mikee ang mga tanong tungkol sa naging relasyon nila ng kaniyang leading man sa 2021 GMA romantic series The Lost Recipe na si Kelvin Miranda.

Ayon sa aktres ay pinag-usapan naman daw nila ang sitwasyon sa pagitan nila.

“Nag-usap kami noon,” kuwento ni Mikee. “Doon sa [The Lost Recipe], nag-start din kami ni Paul [Salas]. So kami ni Kelvin 'yung love team, tapos si Paul 'yung ka-love triangle doon sa story. Tapos noong... bago mag-start 'yung The Lost Recipe, two years na akong single.”

Pag-amin ni Mikee, “Before mag-start 'yung show hanggang first few weeks ng taping, may mga kaunting paramdaman kami (ni Kelvin) sa isa't isa, paramdam, pa-cute.”

Ngunit sa kabila ng mga nakakakilig na “paramdaman” ng dalawang bida, sinabi ni Mikee na kinuwestiyon niya ang mga ikinikilos ni Kelvin.

“Meron siyang ibinigay na bouquet pero sa set niya binigay. So kinuwestiyon ko sa head ko [kung] para sa show or totoo ba. Like 'totoo ba 'to or para sa publicity ng show,' so medyo na-confuse ako doon.”

Binalikan din nina Mikee at Hazel Cheffy ang pag-amin ni Kelvin sa vlog ni Bea Alonzo na na-in love daw ito sa The Lost Recipe leading lady.

Komento ni Mikee, “Ngayon ko lang napanood 'yung [video] na sinabi [ni Kelvin] talaga nang buo. Tingnan niyo 'yung sinabi niya, 'hindi ko alam,' like parang confused siya. Hindi ko alam kung [na-in love] sa character o ako.”

“And that, exactly, 'yun 'yung na-feel ko rin noong time na 'yun na 'is it for the show or is this for real?' I think 'yung confusion na 'yun was what scared me,” dagdag ng aktres.

“Pero kung mas sure siya, baka mas nag-develop [kami],” ani Mikee.

Bagama't napag-usapan din nina Mikee at Kelvin kinalaunan ang real score sa pagitan nila, aminado ang aktres na nagsimula naman siyang ma-develop sa dating The Lost Recipe co-star at current boyfriend na si Paul Salas.

“I didn't want to be unfair kay Kelvin. Ayokong mag-lie sa kaniya na mayroon na akong nafi-feel [para kay Paul],” saad ni Mikee.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Mikee Quintos and Paul Salas travel to Europe