GMA Logo jennylyn mercado
What's Hot

Jennylyn Mercado, puno ng papuri sa 'Green Bones'; mas naging fan ni Dennis Trillo

By Aimee Anoc
Published December 21, 2024 4:34 PM PHT
Updated December 21, 2024 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado


Jennylyn Mercado sa 'Green Bones' na pinagbibidahan ni Dennis Trillo: "I don't wanna sound biased dahil asawa mo ako, pero talagang napakaganda ng movie ninyo."

Full support si Jennylyn Mercado sa bagong pelikula ng asawang si Dennis Trillo, ang Green Bones, na official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Noong Biyernes, December 20, kasamang dumalo ni Dennis si Jennylyn sa premiere night ng Green Bones, na ginanap sa SM North EDSA The Block.

Una nang ipinakita ni Jennylyn ang suporta sa asawa nang pumunta sa special screening ng Green Bones noong December 18 sa Columbia Pictures office.

Sa isang Instagram post, pinuri ng aktres ang Green Bones, na aniya ay napakagandang pelikula at ang husay ng mga bumubuo rito.

"I don't wanna sound biased dahil asawa mo ako, pero talagang napakaganda ng movie ninyo, at napakahusay ninyong lahat," sulat ng aktres.

Dagdag pa ni Jennylyn, mas lalo siyang naging fan ng aktor. Sabi niya, "Dennis, lalo akong naging fan mo. Grabe yung iniluha ko dito [by the way]."

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Kasama ni Dennis na bumibida sa Green Bones ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Ang Green Bones ay idinirehe ni Zig Dulay, na siya ring direktor ng award-winning film na Firefly.

Mapapanood ang Green Bones sa mga sinehan simula December 25.

Panoorin ang official trailer ng Green Bones sa video na ito:

Tingnan ang mga dumalo sa naunang special screening ng Green Bones: