
Sa pagpasok ng bagong taon, isang popular Korean drama ang handog ng GMA Heart of Asia sa Pinoy viewers.
Ang upcoming series na ipalalabas sa GMA ay tinaguriang isa sa highest-rated dramas sa Korea.
Sa ilang reports, mababasa na labis na na-hook ang Korean viewers sa naturang programa na ipinalabas sa kanilang bansa noong 2023.
Ang istorya nito ay iikot sa mga kaganapan sa buhay ng isang determined woman na makikilala bilang first female lead executive ng isang advertising agency.
Anu-ano kaya ang mga pagsubok at problemang kahaharapin niya?
Tampok din sa serye ang realistic stories tungkol sa pagtatrabaho at mga kadalasang nagaganap sa loob ng opisina na siguradong maraming Pinoy ang makaka-relate.
Ano kaya ang title at sinu-sinong aktor kaya ang mapapanood dito?
Huwag palampasin ang pagsisimula ng hit Korean drama series, mapapanood na sa Philippine television sa darating na January 2025.