GMA Logo Kokoy De Santos at Royce Cabrera
Photo by: Royce Cabrera FB
What's Hot

Kokoy De Santos at Royce Cabrera, proud sa isa't isa ngayong Metro Manila Film Festival

By Kristine Kang
Published December 23, 2024 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Fajardo resigns from ICI
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos at Royce Cabrera


Royce Cabrera kay Kokoy De Santos: 'Proud of us, Tol!"

Patuloy na inaabot nina Kokoy De Santos at Royce Cabrera ang kanilang mga pangarap sa industriya ng showbiz.

Sila ay kabilang sa mga bagong hinahangaan ng netizens dahil sa kanilang kahusayan sa pag-arte sa mga sikat na teleserye at pelikula.

Noong 2019, parehong naging bida sina Kokoy at Royce sa pelikulang Fuccbois sa prehistiyosong Cinemalaya. Mula noon, patuloy silang bumida sa mga kakaibang pelikula sa iba't ibang movie festivals.

Ngayong Kapaskuhan, tumanggap ng isa pang malaking proyekto sina Kokoy at Royce bilang bahagi ng 50th Metro Manila Film Festival. Si Royce ay kabilang sa official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones. Kasama niya sa pelikulang ito ang bigating Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

Samantala, dalawang pelikula naman ang tampok si Kokoy: ang comedy-drama film na And the Breadwinner is... at action-drama film na Topakk.

Bagamat magkaibang mga pelikula ang kanilang proyekto ngayong MMFF, hindi nila nakakalimutang ipakita ang suporta at pagmamalaki sa isa't isa. Sa isang social media post ni Royce, binati niya si Kokoy na "Malayo na pero malayo pa... Proud of us, Tol! Kokoy De Santos."

Kasama sa post ang kanilang larawan mula sa kamakailan lang na 2024 Parade of Stars. Proud ang dalawang stars ipakita ang kanilang mga pelikula ngayong MMFF.

Marami rin ang pumuri sa pagkakaibigan nila at paano nila sinusuportahan ang isa't isa.

Masaya rin bumati si Kokoy sa comment section, "Proud of you Tol!! Labyu!!!"



Ang mga pelikulang Green Bones, And the Breadwinner is..., at Topakk ay ipapalabas na sa mga sinehan nationwide simula December 25.

Ang Green Bones ay isang inspirational-drama film na idinirehe ni Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza.

Ang And the Breadwinner is... naman ay isang comedy drama film na pagbibidahan ng Unkabogable Star Vice Ganda. Samantala, puno ng aksyon at drama ang pellikulang Topakk na pagbibidahan nina Arjo Atayde, Julia Montes, at Sid Lucero.

Silipin ang listahan ng mga pelikula na kasali sa 2024 Metro Manila Film Festival: