GMA Logo Wendell Ramos in sexy scenes
Source: wendellramosofficial/IG
What's Hot

Wendell Ramos, hinahayaan lang ang female co-stars na mag-initiate sa sexy scenes?

By Kristian Eric Javier
Published December 26, 2024 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis spends time with daughters, Lian Paz, John Cabahug during the holidays
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Wendell Ramos in sexy scenes


Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagpapaubaya na lang si Wendell Ramos sa kanyang female co-stars sa tuwing gagawa sila ng sexy scenes?

Isa si Shining Inheritance actor Wendell Ramos sa mga nakilala dahil sa ilang "sexy" projects, kabilang na ang "sexy" movies na sumikat noon. Ngunit ayon sa batikang aktor, may mga pagkakataon na hinahayaan niya ang mga female co-stars niya ang mag-initiate ng sexy scenes sa kanilang mga pelikula.

Sa online entertainment show na Marites University, binalikan ni Wendell Ramos ang ilan sa sexy films na ginawa niya noon, kabilang na ang 'Menor de Edad' noong 2013 kung saan leading lady niya si Meg Imperial.

Pag-amin ng batikang aktor ay napakagaling na aktres ni Meg. Ngunit lagi pa rin niya itong pinagsasabihin tuwing gumagawa sila ng sexy scenes.

“Binubulungan ko siya e. Kasi si Joel Lamangan, focused siya e, you know? 'We're not here to exploit you or what, we're working.' 'Yung attitude niya pagdating sa set, 'O, gawin mo 'to, Wendell, ito na kayo, Meg...' So minsan, kasi bata siya talaga e, 2013, so sabi ko sa kaniya, 'Meg, ikaw na ang kumilos a?' Ikaw na lang,” pag-alala ni Wendell.

BALIKAN ANG ILANG LITRATO NI WENDELL NA NAGPAPATUNAY NA HUNK PA RIN SIYA SA EDAD NA 44 SA GALLERY NA ITO:

Kuwento pa ng aktor, ginagawa niya ito para maging mas kumportable sa mga eksena ang kaniyang co-stars dahil nangangamba siya na kapag siya ang unang kumilos ay baka mailang ang mga ito.

“Baka mamaya, makita 'yung ilang na hindi naman talaga sila used to it du'n, even if very focused sila as a professional actress, pero baka mamaya, gumalaw ako nang sa direksyon ko, mailang. So lagi ko sinasabi, 'Ikaw na,'” sabi ng aktor.

Gusto lang ni Wendell Ramos na maging mabuting halimbawa para sa mga aktor na tulad niya na maging mas maingat at maalaga kapag may kaparehang aktres sa isang sensitibong eksena.