
Nagpaabot ng moral support ang Widows' War actress na si Jean Garcia para kay Barbie Forteza matapos ianunsyo ng huli kamakailan lang ang hiwalayan nila ni Jak Roberto.
Sa Chika Minute report sa 24 Oras na ipinalabas nitong January 3, ipinahayag nina Jean at Rita ang kanilang comforting messages para kay Barbie.
Sabi ni Jean, “Basta ako, anytime na kailangan lang ako ni Barbie, kailangan niya ng kausap, kailangan niyang mag-vent-out, kailangan niya ng suporta ko, at kailangan niya ng taong makikinig sa kaniya at gusto niya ng shoulder to cry on, andito lang [ako]. Alam naman ni Barbie 'yon.”
Related gallery: Barbie Forteza and Jak Roberto's relationship timeline
Ayon sa 55-year-old actress, nagsimula silang maging close ni Barbie noong maging magkatrabaho sila sa GMA series na The Half Sisters.
Matatandaang Huwebes, January 2, labis na nagulat ang mundo ng showbiz nang ianunsyo ng Kapuso actress na si Barbie na hiwalay na sila ni Jak.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Kapuso actor tungkol sa naturang isyu.
Naging magkarelasyon sina Barbie at Jak sa loob ng pitong taon.