What's Hot

Andrea Torres, ready na sa kaniyang TV comeback ngayong 2025

By Kristine Kang
Published January 6, 2025 10:26 AM PHT
Updated January 6, 2025 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Andrea Torres sa kaniyang karera ngayong taon, 'Looking forward to a lot of things.'

Exciting ang bagong taon sa GMA Network dahil maraming bagong television series at pelikula ang kanilang ihahandog ngayong 2025.

Handa na rin ang Kapuso stars sa kani-kanilang mga comeback at bagong proyekto na tiyak pupusuan ito ng netizens.

Isa na rito ang Kapuso actress na si Andrea Torres na sabik na sabik sa kanyang pagbabalik sa telebisyon. Sa isang panayam kasama si Nelson Canlas, ibinahagi ni Andrea ang kaniyang kasiyahan at paghahanda para sa mga susunod na proyekto ngayong taon.

"'Yung love ko sa work number one iyan sa puso ko. So looking forward ako," pahayag niya. "So far so good ang gaan ng pasok ng taon for me, looking forward to a lot of things, and feeling ko magiging fruitful itong taon ito."

Ngayong bagong taon, labis ang pasasalamat ni Andrea sa kaniyang pamilya at fans. Ramdam na ramdam niya kasi ang pagmamahal at suporta nila sa kaniya sa nagdaang holiday season.

"Nakasama ko 'yung pamilya ko from here and abroad. Binisita kasi kami so maraming reunion, maraming celebrations, and hindi pa natatapos kasi may paparating pang mga get together bago sila umalis. Feeling ko hindi kumpleto kung hindi kumpleto 'yung family ko," sinabi niya.

Kamakailan lang, nakisaya si Andrea sa kaniyang fans sa kanilang Happy Year-End Party. Labis ang saya ng Kapuso actress nang makilala ang ilan sa kaniyang mga tagahanga. Ayon pa kay Andrea, hindi lamang siya nagpapasalamat sa kanilang suporta, kung hindi na-inspire din siya sa mga kuwento ng kaniyang fans. Lalo na raw sa mga kuwento ng kanilang mga pangarap, buhay, at tagumpay.

"Nakakatuwa kasi from nag-aaral to nakita mo na natupad na 'yung mga pangarap. 'Yung parang ano na kami family na talaga," ani Andrea.

TINGNAN ANG JAW-DROPPING PHOTOS NI ANDREA TORRES SA GALLERY NA ITO: