
Nagkaroon ng courtesy call ang The Voice USA season 26 winner na si Sofronio Vasquez kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Malacañang Palace ngayong Miyerkules, January 8.
Sinalubong ng pangulo at kanyang First Lady na si Liza Araneta-Marcos si Sofronio sa President's Hall ng palasyo para batiin ang US-based crooner sa kanyang pagkapanalo. Si Sofronio ang kauna-unahang Asyano at Pinoy na nanalo sa The Voice USA.
Nakipagkwentuhan ang presidente at kanyang maybahay kay Sofronio na may suot na Barong Tagalog.
Kinanta ni Sofronio ang kanyang The Voice USA winning song na "A Million Dreams" at "Imagine" ng The Beatles na personal favorite ni Pangulong Marcos.
Ang pagbisita ni Sofronio sa Malacañang ay mapapanood sa live video na ito ng RTVM:
KILALANIN PA ANG PINOY PRIDE NA SI SOFRONIO VASQUEZ SA GALLERY NA ITO.