
Malisyoso at mapanirang puri.
Ganito ang paglalarawan ng abogado ni Vic Sotto, na si Atty. Enrique Buko Dela Cruz, sa trailer ng pelikula ni Daryl Yap. Kaya naman napagdesisyunan ng kilalang actor-TV host ang magsampa reklamong cyber libel laban sa direktor.
Matatandaan na si Daryl ang direktor ng kontrobersyal na pelikula, kung saan ipakikita ang buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma. Sa paunang teaser nito, nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto.
Sa statement ni Atty. Dela Cryz, na binasa ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 9, sinabi niyang nakatanggap na ng “public ridicule and contempt” si Vic at ang kaniyang pamilya simula nang ilabas ni Daryl na kasama sa kaniyang pelikula ang magkapatid na sina Tito at Vic Sotto, at si Joey de Leon.
“According ay Attorney Buko, may natanggap na umanong mga physical threats si Pauleen [Luna], at ang anak nila ni Vic mula nang lumabas ang trailer. He also claims that it caused Vic to suffer mental anguish and serious anxiety,” pahayag ni Boy base sa statement ni Atty. Buko.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGSAMPA NA NG CYBER LIBEL CASE SA GALLERY NA ITO:
Dagdag pa ni Atty. Dela Cruz sa kaniyang statement, inaprubahan na rin ng korte ang Habeas Data Petition ni Vic na nag-uutos kay Daryl at sa kaniyang production company na Vincentiments na itigil ang pagpo-post ng content online tungkol sa pelikula.
Kasabay rin nito ay inutos ng korte ang agarang pag-takedown na naturang trailer.
Ani Boy ay sinubukan nilang kunin ang panig ni Daryl ngunit hindi pa ito sumasagot. Ngunit base umano sa mga naunang post ay maging ang huling post ng direktor ay iginiit niyang “base sa katotohanan ang kaniyang pelikula.”
Samantala, tingnan dito ang ilang high-profile libel complaints sa showbiz: