GMA Logo Christian Bautista
What's Hot

Christian Bautista, tinago ang pagiging artista noong nililigawan si Kat Bautista

By Hazel Jane Cruz
Published January 14, 2025 8:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Bautista


Ayon kay Christian Bautista, ' I wanted to be parang little sly about it.

“Ayoko naman na-- I'm an artist, you know? So I wanted to be parang little sly about it.”

Iyan ang rebelasyon ng Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa latest episode ng GTV cooking talk show na Lutong Bahay.

Ayon sa masayang chikahan niya kasama sina Mikee Quintos, Chef Ylyt, at asawa nitong si Kat Bautista, tinago raw nito ang kaniyang tunay na trabaho nang nanliligaw pa lamang kay Kat.

Kuwento ni Kat, hindi niya kilala si Christian, pati na rin ang kaniyang mga kanta, dahil galing siyang U.S.

Para naman mapanindigan ang kaniyang pagsikreto tungkol sa karera, nanghihiram pa raw noon si Christian ng mga sasakyang sira ang aircon para sunduin si Kat.

“Hindi ako nagpapasikat. Gusto ko [malaman] parang 'will she love me for me'” pabirong paliwanag ni Christian. “Ayoko naman na-- I'm an artist, you know? So I wanted to be parang little sly about it.”

“Dinadala niya ako sa mga turo-turo, tapos naghahati pa kami ng bill or ako ang magbabayad,” dagdag naman ni Kat. “Hindi ko siya kilala.”

Ayon pa kay Christian, alam niya raw na hindi siya kilala ni Kat at talagang sinadya niyang itago ang kaniyang pagiging artista nang ilang linggo.

Kinalaunan ay nakilala rin siya ni Kat matapos niyang i-search ang pangalan ni Christian online.

RELATED GALLERY: Celebrities and their non-showbiz partners

“'Yung officemate ko, nagtataka, 'bakit ang saya-saya mo?' Sabi ko, 'meron akong dine-date. Sobra siyang cute,'” kuwento ni Kat, “Pinakita ko 'yung picture [sa officemate ko], tapos sabi niya, 'Haha, very funny. That's Christian Bautista' tapos sabi ko, 'How do you know?'”

Matapos umanong i-search ni Kat si Christian online ay tinext niya ito at ang nakuhang reply lamang ay isang smiley face emoji.

“Hindi na ako magbabayad for dinner,” dagdag pa noon ni Kat.

Sa ngayon ay happily married na ang dalawa matapos mag-propose ni Christian noon October 30, 2017, at magpakasala noong November 17, 2018 sa Bali, Indonesia.

Panoorin ang Lutong Bahay mula Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m., sa GTV.

Samantala, balikan naman ang kasal nina Christian at Kat sa gallery na ito: