
Handa na ba kayong maramdaman ang excitement at masaksihan ang electrifying performances ng multi-awarded P-pop solo artist at isa sa P-pop Kings na si Josh Cullen sa kanyang "Lost & Found Album Concert" na mapapanood na sa GMA Network ngayong January 26?
Mapapanood na sa telebisyon ang "Lost & Found Album Concert" ni Josh na ginanap noong September 2024 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Dito, nasaksihan ang husay ni Josh bilang solo artist, kung saan dinala niya ang kanyang mga tagahanga sa journey ng kanyang debut album na "Lost & Found".
Naipakita ni Josh sa concert ang transformation at self-discovery na naipadama niya sa kanyang mga awitin sa album na "No Control," "Silent Cries," "See Me," "1999," "Honest," "Lights Out," at "Sumaya."
"Performing live is where I truly connect with my fans, and I'm thrilled to bring these new songs to life on stage," sabi ni Josh. "This concert is a celebration of my journey and a tribute to everyone who has been part of my story."
Abangan ang "Lost & Found Album Concert" ng SB19 member na si Josh Cullen ngayong January 26, 2:00 p.m. sa GMA.
RELATED CONTENT: THE BREAKTHROUGHS OF P-POP KINGS SB19: