GMA Logo gma public affairs on gma prime
What's Hot

GMA Public Affairs, hatid ang 'Lakas at Puso' sa primetime!

By Aedrianne Acar
Published January 20, 2025 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US pursuing third oil tanker near Venezuela, officials say
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

gma public affairs on gma prime


Mas pinalakas at pinabongga ang line-up ng GMA Prime simula ngayong Lunes.

Mga dekalibreng produksyon at kuwentong kakapitan ninyo gabi-gabi ang hatid ng GMA Public Affairs sa primetime!

Simula ngayong Lunes, January 20, muling mapapanood ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa pagganap niya bilang Lolong sa maaksyong pagbabalik ng high-rating fantasy series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Makakasama ni Ruru rito ang ilang sa pinakamalaking pangalan sa show business tulad nina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, and Tetchie Agbayani.

Kabilang din dito sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor, at Jean Garcia.

Abangan ang pagbabalik ng Lolong: Bayani ng Bayan mamayang gabi, 8:00 pm, pagkatapos ng 24 Oras.

Kasunod ng Lolong, action-packed moments nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Antonio Vinzon, at Raheel Bhyria sa Mga Batang Riles. Sagot naman nina Jillian Ward at Michael Sager ang kilig sa GMa Prime sa pagpapatuloy ng kuwento ng My Ilonggo Girl.

Ano ang mangyayari nang pumayag si Tata (Jillian Ward) na pansamantalang pumalit sa buhay ng sikat na celebrity na si Venice (Jillian Ward) na kasalukuyang nawawala?

Maging matagumpay kaya siya pagpapanggap bilang misis ni ng businessman na si Francis Palma (Michael Sager) o mabuking siya nang tuluyan ng pamilya Palma na isa lamang siyang doppelganger?

Sundan ang romantic scenes sa kilig-serye sa GMA Prime na My Ilonggo Girl, Lunes hanggang Huwebes, sa oras na 9:35 p.m.

Tutukan ang 'Lakas at Puso' na hatid ng mas pinatinding line-up ng GMA Prime gabi-gabi!