GMA Logo jennylyn mercado and dennis trillo
What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, bibida sa upcoming action-drama series ng GMA Prime

By Jansen Ramos
Published January 21, 2025 5:43 PM PHT
Updated January 21, 2025 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and dennis trillo


Sasabak sa hard action ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para sa upcoming GMA Prime series nila.

Matapos ang sampung taon, muling bibida sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa isang full-length series.

Pagtatambalan nila ang isang upcoming GMA Prime action-drama na una nilang soap opera bilang mag-asawa.

Sa serye, gaganap si Jen bilang pulis. Sasabak ang aktres sa jiu jitsu at gun handling training para sa kanyang karakter. Ito rin ang unang handog niya sa kanyang Kapuso fans matapos siyang opisyal na mag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network.

Samantala, kakaibang Dennis naman ang ipamamalas ng 50th Metro Manila Film Festival Best Actor sa bagong TV project nila ni Jen.

Makakasama nila sa upcoming primetime series ang iba pang mga bigatin at batikang artista na sina Zoren Legaspi, Al Tantay, Nova Villa, Roi Vinzon, Allen Dizon, at Marina Benipayo.

Tampok din dito ang Sparkle artists na sina Liezel Lopez, Matthew Uy, at Seb Pajarillo, gayundin sina Joross Gamboa at Sam Pinto.

Mula sa GMA Entertainment Group, idederehe ito ni LA Madridejos.

Samantala, tingnan ang muling pagpirma ng kontrata ni Jennylyn sa GMA Network: