GMA Logo Green Bones
What's Hot

'Green Bones,' extended ang run sa mga ilang sinehan!

By Kristine Kang
Published January 22, 2025 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Green Bones


Huwag palampasin ang 'Green Bones' ngayong fifth week nito sa mga sinehan.

Mula sa premiere night hanggang sa cinema fourth week, labis pa rin ang suporta ng netizens sa 2024 Metro Manila Film Festival Best Pictures winner na Green Bones.

Maraming cinemas ang nag-anunsyo ng sold out showing nationwide at may ilang grupo ang nagpa-block screening kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Kahit tapos na ang extend screening ng MMFF mismo, dagsa pa rin ang mga tao sa sinehan at positive reviews ng pelikula online. Meron pa ngang nabuong challenge na "Before and After Watching Green Bones." Naging patok ito dahil halos lahat ng nanood ng pelikula ay parehas umuwing luhaan pagkatapos matunghayan ang nakakaantig nitong istorya.

Dahil marami pa rin ang nais panoorin ang Green Bones, masayang inanunsyo ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na tuloy pa rin ang palabas ng emotional film sa fifth week nito sa mga sinehan!

Maaaring bumili ng tickets online sa mga website ng Ayala Malls, Robinsons Movieworld, Gateway Cineplex, Powerplant Cinema, Fisher Mall, at Vista Cinemas.

Tingnan ang listahan ng cinemas kasama sa fifth week screening ng Green Bones:

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Malapit na ring mapapanood ang MMFF movies sa Los Angeles, USA, para sa Manila International Film Fest 2025 (MIFF) na gaganapin mula January 30 hanggang February 2, 2025. Kasama rin sa event ang high-grossing film ng GMA Pictures at Star Cinema na Hello, Love Again.

Para ipresenta ang inspirational-drama film, kasama rin ang award-winning leads ng pelikula na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa film fest.

Ang 2024 MMFF Best Pictures winner na Green Bones ay idinerehe ni Direk Zig Dulay at isinulat nina Ricky Lee at Anj Atienza. Ito rin ay co-produced ng Brightburn Entertainment at distributed ng Columbia Pictures para sa Sony Pictures Releasing International.

Balikan ang thanksgiving dinner ng 'Green Bones team sa gallery na ito: