Article Inside Page
Showbiz News
Pagkatapos maging bahagi ng 'Niño' at 'Sa Puso Ni Dok', muling mapapanood ang young actress na si Stephanie Sol sa upcoming series na More Than Words. Gaganap siya bilang kontrabida sa buhay ni Ikay, played by Janine Gutierrez.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Pagkatapos maging bahagi ng
Niño at
Sa Puso Ni Dok, muling mapapanood ang young actress na si Stephanie Sol sa upcoming series na
More Than Words. Gaganap siya bilang kontrabida sa buhay ni Ikay, played by Janine Gutierrez.
"Ako si Belle Acosta. Ako ang magiging kontrabidang sobrang evil. Noong bata kami, best friends kami ni Erika or Ikay, pero nung high school na kami, plastic na ako sa kanya," paglalarawan niya sa kanyang character.
Dagdag pa niya, "I'm trying to be nice to her pero may evil things talaga ako [na pinaplano], mostly I think because nai-insecure ako, naiinggit ako sa kanya kasi kahit mommy lang niya 'yung andoon, close sila. Eh ako, wala akong parents although lahat ng material things mayroon ako. At saka inaagaw niya 'yung top spot sa akin kasi ang galing niya, she's smart also and she's nice."
Kung ikukumpara ito sa tunay na Stephanie Sol, malayong malayo daw si Belle. "Sabi ko nga, nakaka-nervous at nakaka-excite siyang gawin kasi sobrang different niya. Sobrang mataray, as in. Mean talaga ang mga ginagawa niya, 'yung I would only do in a role or in my imagination lang. Noong binabasa ko 'yung script, naisip ko 'I can never imagine myself doing this.'"
Wala ring problema sa first Miss Teen Philippines winner kahit medyo nasa dark side ang roles na nabibigay sa kanya.
"Okay lang naman sa akin kasi as long as effective ang character, I think 'yun naman ang important. I used to worry na baka awayin ako, pero I guess if GMA naman will find out that they can put me anywhere, or I can do kontrabida and bida roles. Basta effective, okay lang 'yun."
Aniya, maganda naman ang feedback na nakukuha niya from the viewers. "So far, so good naman. Dito nga, I have to be really evil here. Issue pa nga 'yun kasi they say medyo sweet pa rin 'yung face ko. Sa acting ko talaga dadalhin."