
Magbabalik-tambalan sina Khalil Ramos at Sue Ramirez sa pamamagitan ng upcoming Netflix movie na One Hit Wonder.
Sa Facebook, naglabas ang Netflix Philippines ng teaser ng kanilang mga karakter sa nasabing onscreen project.
"In love and music, we all win… Your first look at Sue Ramirez and Khalil Ramos's One Hit Wonder, coming soon on Netflix. #NextOnNetflix," sulat sa caption.
Sa nasabing post, ipinakita rin ang iba pang cast ng pelikula gaya ng Sparkle artist na si Matt Lozano.
Nagtambal na noon sina Khalil at Sue sa 2013 ABS-CBN series na Annaliza. Nagkatrabaho rin sila sa Netflix thriller film na Dead Kids na inilabas noong 2019.
Samantala, may upcoming movie rin si Khalil kasama si Romnick Sarmenta na pinamagatang Olsen's Day na ididirehe ni JP Habac
NARITO ANG IBA PANG KAPUSO-KAPAMILYA ON SCREEN TEAM-UPS.