
Isa sa mga popular na content ngayon sa YouTube ang music video ng collaboration single ng rising Bicolana singer-songwriter na si Dwta at SB19 member na si Justin na "Sampung Mga Daliri."
Sa ngayon, nasa number 14 spot ito sa pagiging trending sa music category ng video-sharing site.
Binigyan ng kakaibang atake nina Dwata at SB19 Justin ang nasabing folk-pop lullaby na sikat na Filipino nursery rhyme. Sa kanilang bersyon, ginawang sentimental ang lyrics na tungkol sa heartbreak.
Unang pinerform nina Dwta at Justin ang "Sampung Mga Daliri" sa 10th Wish Music Awards na ginanap noong January 19 sa Araneta Coliseum.
RELATED GALLERY: Pablo, Stell, at grupo nilang SB19, big winners sa 10th Wish Music
Awards