GMA Logo Marian Rivera
PHOTO COURTESY: marianrivera (Instagram)
What's Hot

Marian Rivera, nagpapasalamat sa feedback ng netizens sa 'Balota'

By Dianne Mariano
Published February 4, 2025 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Umani ng papuri mula sa netizens ang mahusay na pagganap ni Marian Rivera sa 'Balota,' na kasalukuyang napapanood sa streaming platform na Netflix.

Available na for streaming ang pelikulang Balota na pinagbibidahan ng award-winning actress na si Marian Rivera.

Mula ng ipalabas ang naturang pelikula, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, sa Netflix nitong January 31, umani ng papuri ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa kanyang husay sa pag-arte bilang Teacher Emmy.

Marami rin ang humanga sa galing ng cast at kuwento ng pelikula, na idinerehe at isinulat ni Kip Oebanda.

Labis ang pasasalamat ni Marian sa feedback na natatanggap ng Balota. Sulat niya sa kanyang Facebook post, "Salamat po."

Kamakailan lamang ay pinangaralan si Marian ng Excellence in Performance award ng 4th Primetime Media Choice Awards para sa pelikulang Balota. Nagwagi rin bilang Best Actress ang celebrity mom sa 3rd Gawad Dangal Filipino Awards at 2024 TAG Victorious Awards Chicago para sa parehong pelikula.

Isa rin si Marian sa mga pinarangalang bilang Best Actress sa Cinemalaya 2024.

Unang nag-premiere ang Balota sa 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong August 2024 at napanood din ang new cut nito sa mga sinehan nationwide noong October 2024.

ALAMIN ANG IBA'T IBANG ACHIEVEMENTS NI MARIAN RIVERA SA GALLERY NA ITO.