Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang Abra and Julie Anne love team sa 'Kubot: The Aswang Chronicles 2.'
By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Tila isinilang sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ang bagong tandem nina Julie Anne San Jose at ng rapper na si Abra.
Pinangungunahan nina Primetime King Dingdong Dantes at Taste Buddies host, Isabelle Daza ang pelikula, pero importante raw ang roles nina Julie Anne at Abra.
Ani Julie Anne, “Kami parang ‘yung bubuo ng magiging armas ni Kuya Dingdong para sa paglaban sa mga kubot.”
Unang pelikula ito ni Abra at ayon sa kanya, nakakatuwa raw ang experience.
“Swabe lang ‘yung shoot namin at saka masaya. Maganda ‘yung ano, astig ‘yung mga set-up. Okay pala mag-shoot ng movie. Ganoon pala ‘yung mga galawan,” sabi niya.
Hindi lang pang pelikula ang tambalang Julie Anne at Abra. Nag-collaborate rin sila sa paggawa ng kanta na ini-record nila.
Kuwento ng rapper, “Gumawa ako, gumawa siya tapos nagkataon na noong pinagsama namin, bagay, kaya astig. Swak na swak.”
Dagdag naman ni Julie Anne, “Ang galing lang kasi never kaming nag-usap prior doon sa recording.”