
Kailangang maghanda ang mga fans ng My Ilonggo Girl male lead na si Michael Sager na mag-online dahil ang gwapong Kapuso star ang bagong digital cover star ng isang international lifestyle magazine.
Sa kanilang official Instagram account, nag-upload ang VMan Southeast Asia ng Instagram Reel kung saan ini-interview ni Brent Javier, ang media channels editor ng magazine, si Michael. Ibinahagi ni Michael na karangalan para sa kaniya ang maging cover star ng digital issue and na-enjoy niya ang kanyang “first real magazine shoot”.
Related gallery: The 'My Ilonggo Girl' cast knows how to dress to impress
Nag-upload din ang VMan Southeast Asia ng isang five-minute YouTube video kung saan ibinahigi ni Michael ang kanyang kabataan sa Canada at kung paano siya naging parte ng Kapuso Network.
Panoorin ang buong video sa baba:
Isa lamang si Michael sa mga Kapuso and Sparkle star na na-feature sa VMan Southeast Asia. Noong nakaraang November, na-feature si Kim Ji Soo sa pinakaunang issue ng VMAN Southeast Asia, nan a-launch noong November 15 lamang. Sa feature, ibinahagi ni Ji Soo na naging eye-opener para sa kaniya ang kanyang panahon sa Philippine entertainment industry.
“Working in the Filipino entertainment industry has given me a fresh perspective as an actor,” saad niya sa magazine. “The energy here is different--Filipinos are very passionate, and it shows on set.”
Isa pang Kapuso star na na-feature sa isang international fashion magazine feature ay ang global fashion and style icon Heart Evangelista, na na-feature sa Harper's Bazaar Vietnam suot ang outfit na gawa ng designer na si Georges Hobeika. Sa caption, sinulat ni Heart na siya ay nag dress up sa Paris para sa magazine.
Related gallery: LOOK: Heart Evangelista on the cover of local lifestyle magazine