GMA Logo Kaloy Tingtungco
What's Hot

Kaloy Tingcungco, gustong makatrabaho sina Shaira Diaz at Anjo Pertierra sa isang acting project

By Karen Juliane Crucillo
Published February 6, 2025 2:46 PM PHT
Updated February 6, 2025 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kaloy Tingtungco


Ano kaya ang dream acting project ni Kaloy Tingcungco? Alamin dito:

Kilala bilang host ng morning show na Unang Hirit si Kaloy Tingcungco pero bago siya maging host, lumabas na siya bilang aktor sa ilang Kapuso shows at series.

Sa isang panayam kasama ang aktor sa GMA Playlist mediacon na ginanap noong Miyerkules, Pebrero 5, nabanggit ng host na gusto niya gumawa ng isang acting project.

"Actually, ang tagal ko ng gustong makabalik and I hope I get the chance again to act and to do what I used to love as well kasi hindi pa lang ako nabibigyan ulit ng platform to act," sabi ni Kaloy.

Dagdag nito, "Pero if given the chance, I would take it whatever role that would be, basta as long as it makes sense."

Napanood noon si Kaloy sa ilang serye sa GMA tulad ng Start-UP Ph at The Write One.

Pinangalanan din ni Kaloy ang mga taong nais niyang makatrabaho pagbalik niya sa pag-arte.

"Siyempre 'yung mga kasama ko sa Unang Hirit. Hindi ko pa nakakatrabaho si Shaira Diaz, my partner at si Anjo Pertierra," sagot ng aktor.

Nabanggit niya rin sina Anjay Anson at Crystal Paras sa mga gusto niyang makasama sa kaniyang future acting projects.

Hiling ni Kaloy na makasama sila sa isang project dahil alam niyang magiging "blockbuster" ito dahil sa kanilang natural na bonding at connection.

Kamakailan lamang, noong January 17, inilabas ni Kaloy ang kaniyang pinakaunang single na "Infatuation" sa ilalim ng GMA Playlist.

SAMANTALA, TINGNAN SA S IBABA ANG MGA NAGANAP SA GMA PLAYLIST MEDIACON: