GMA Logo Herlene Budol
What's Hot

Herlene Budol, sumandal sa pamilya nang masangkot sa isang kontrobersya noong 2023

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 8, 2025 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Kung makakaharap niya si Rob Gomez, ano kaya ang mensahe sa kanya ni Herlene Budol?

Malalim ang hugot ni Herlene Budol nang makapanayam siya ni Nelson Canlas sa GMA Integrated News Interviews.

Ayon kay Herlene, walang ibang sumuporta sa kanya noong nasangkot siya sa isang kontrobersya noong 2023 kung hindi ang kanyang pamilya.

"Wala pong nagtanggol sa akin, lahat po talaga hinusgahan po ako. Doon ko po napatunayan na kahit ano pong mangyari, nandyan ang pamilya mo," pahayag ni Herlene kay Nelson.

"Sabi ko, 'Nay, sabihin mo kay Lord, hindi naman po ako masamang tao. Sabihin mo kay Lord, Nay, nagmahal lang po ako," pakiusap ni Herlene sa kanyang namayapang lola.

Napatawad na rin ni Herlene ang mga nasangkot sa issue nila ng dati niyang katrabaho na si Rob Gomez. Nasangkot ang dalawa sa kontrobersya noong 2023 nang kumalat online ang kanilang private messages.

"Thank you," mensahe ni Herlene kay Rob. "For making me strong."

Sa ngayon, naka-focus si Herlene sa trabaho, lalo na't malapit nang mapanood ang pinagbibidahan niyang seryeng Binibining Marikit.

"Parang mas masaya 'pag mag-focus rin po muna sa trabaho ko, at sa sarili ko, kumpara mag-focus ako sa mga taong sisirain lang naman ang aking puso."

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas DITO:

Mapapanood na ang world premiere ng Binibining Marikit sa Lunes, February 10, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.