GMA Logo beauty gonzalez
Beauty Gonzalez (second from left) and daughter Olivia (in red jacket) with 'Paquil' director Lemuel Lorca. Photo by Nherz Almo
What's Hot

Beauty Gonzalez, proud sa acting debut ng anak na si Olivia

By Nherz Almo
Published February 12, 2025 11:20 AM PHT
Updated February 12, 2025 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

beauty gonzalez


Beauty Gonzalez, sa acting experience ni Olivia: "Nairaos naman namin and she did one take lang.”

Abot-tenga ang ngiti ni Beauty Gonzalez habang pinag-uusapan ang unang acting project ng kanyang anak na si Olivia.

Ang nine-year-old na anak nina Beauty at Norman Crisologo ay gumanap na batang bersyon ng karakter ng aktres sa pelikulang Paquil, na ipalalabas sa mga sinehan simula ngayong February 12.

“It's a very special movie because it's gonna be with Olivia,” sabi ni Beauty sa panayam ng GMA Integrated News at iba pang entertainment media bago ang premiere night ng pelikula noong nakaraang linggo.

Ayon kay Beauty, noong una ay tila nag-alangan siya sa pagkakasama ni Olivia sa pelikula.

Kuwento niya, “Tinanong lang ako one day ng director namin kung puwede ba siyang gumanap na young me. Sabi ko, basta walang linya kasi hindi siya masyadong fluent sa Tagalog, e. Siyempre, sa bahay, English, Bisaya, Tagalog, so halu-halo ang mga lengguwahe niya. But she's more on English. Sabi ng director, wala namang linya, so I told her about it.

“Pagdating namin sa set, biglang nagkaroon ng linya, biglang iiyak! Ako yung mas kinakabahan sa kanya. But thankfully, nandoon si Norman, ang team yaya, we're all very supportive of her.”

Natuwa naman si Beauty nang matapos ni Olivia ang kanyang eksena.

“Nairaos naman namin and she did one take lang,” nakangiting sabi ni Beauty.

Para naman kay Olivia, bagamat nagustuhan niya ang kanyang ginawa, hindi niya nakikita ang sarili na maging isang young actress.

Nahihiyang sabi niya sa press, “I want to finish school.”

Matapos mapanood ang anak niya sa set ng Paquil, naramdaman daw ni Beauty, “Yung pakiramdam ng nanay na proud, parang naiyak na rin ako. Mas nauna pa akong umiyak kaysa sa kanya sa eksena. Nakakatuwa kasi totoo pala yung feeling na ganun.”

Dagdag pa niya sa huli, “I'm just so happy na she gets to experience it and she gets to think na kung ano ang gusto niyang gawin in life. Now, she realized na mas gusto niya munang mag-school. After that, maybe kapag malaki na siya, she can get into showbiz.”

Samantala, tingnan ang ilang mother-daughter bonding nina Beauty at Olivia rito:

Bukod sa Paquil, araw-araw ring mapapanood si Beauty sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail.