
Isang nakakaaliw na video ang ibinahagi ni Kapuso star Paul Salas sa kanyang Instagram account.
Sumakay kasi si Paul sa isang nauusong dance craze ngayon sa TikTok at iba pang online platforms.
Mapapanood dito ang aktor na sumasayaw sa Giling-Giling. Ipinakita niya ang kanyang giling moves tumingin pa sa isang sasakyan.
"Giniling din ba order n'yo? " biro niya sa caption ng kanyang post.
Bahagi si Paul ng primetime action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Gumaganap siya dito bilang Martin, ang kapatid ng bidang si Lolong na karakter naman ni primetime action hero Ruru Madrid.
Sa ika-apat na linggo ng serye, darating na ang oras ng paniningil.
Kasama ang mas pinalakas niyang puwersa, aatakihin ni Nando (Nonie Buencamino) ang isang pagtitipon para puntiryahin si Julio (John Arcilla).
Dahil dito, makakaharap ni Lolong (Ruru Madrid) sa labanan ang sarili niyang lolo.
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.