What's Hot

Winwyn Marquez, masayang makabalik sa teleserye at beauty pageant

By Kristine Kang
Published February 13, 2025 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Winwyn Marquez sa kanyang pagbabalik: 'I don't want to have regrets'

Tila naging comeback year ni Winwyn Marquez ang 2025 dahil sa kanyang back-to-back na pagbabalik sa industriya ng showbiz at beauty pageant.

Kamakailan, isang malaking sorpresa para sa netizens nang inanunsyo ni Winwyn ang kanyang pagbabalik para sa Miss Universe Philippines. Ang 2017 Reina Hispanoamericana ay magpapatuloy ng kanyang pangarap na makamit ang Miss Universe crown bilang representative ng Muntinlupa.

Sa isang Instagram reel, ibinahagi ni Winwyn ang kanyang excitement sa kanyang pagbabalik sa pageant. "It has been 10 years since I first stepped onto a pageant stage, 8 years since I became Miss Filipinas and lived a dream I worked so hard for outside the pageant world. Then I took a step back and embraced the most beautiful role of my life.. becoming a mother. I embraced it fully but deep down I still had my what ifs," aniya sa kanyang caption.

"Who would've thought that this door would open again? For a mother, for a woman at this stage in life.. But when it did,I felt it. I had to take it.. because I am more than ready - I am WHOLE."

A post shared by Winwyn Marquez (@teresitassen)

Bukod sa kanyang pagbalik sa pageant, magkakaroon din ng grand comeback si Winwyn sa kanyang acting career. Kabilang siya sa cast ng upcoming drama series na Mommy Dearest, kasama ang ibang magagaling na aktres na sina Camille Prats at Katrina Halili.

Labis ang tuwa ni Winwyn na makabalik sa set, lalo na't ito ang kanyang unang acting project matapos ang ilang taon ng pagiging full-time mom kay Luna.

"I don't want to have regrets. Lalo na gusto ko rin makita ng anak ko while she's growing up na 'yung mommy niya, kumbaga she pursued her dream pa rin," pahayag ni Winwyn.

Malapit na mapapanood ang Mommy Dearest sa GMA Afternoon Prime, ngayong February 24.

Tingnan ang hottest photos ni Winwyn Marquez sa gallery na ito: