GMA Logo Martin del Rosario
What's Hot

Martin del Rosario, 'masayang pagod' sa theater debut

By Marah Ruiz
Published February 14, 2025 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Inilarawan ni Martin del Rosario na masayang pagod ang kanyang theater debut.

Sa unang pagkakataon, sasabak ang Kapuso actor na si Martin del Rosario sa isang stage play.

Mapapanood ang theater debut ni Martin sa dulang "Anino sa Likod ng Buwan."

Ang "Anino sa Likod ng Buwan" ay isang dula na isinulat ng award-winning writer at director na si Jun Robles Lana.

Kuwento ito ng mga taong napilitang manirahan sa gubat sa Marag Valley noong dekada '90 para takasan ang labanan sa pagitan ng militar at mga komunista.

Noong 2015, ginawa niya itong pelikula na may parehong pamagat at pinagbidahan nina LJ Reyes, Anthony Falcon, at Adrian Alandy.

Nagkaroon ng special preview performance ng 2025 staging ng "Anino sa Likod ng Buwan" na pinagbidahan ni Martin kasama sina Elora Españo at Ross Pesigan noong February 8 sa the Doreen Black Box Theater sa Arete.

Ayon kay Martin, nakaramdam siya ng kaba dahil ito ang unang pagkakataon niyang aarte para sa entablado.

"First time kong mag-play so 'yung pakiramdam na may manonood sa akin live, doon ako kabado noong una. Mas lalo noong narinig ko na 'yung chimes, iba pala 'yung pakimramam noon na alam mong after three minutes, start na 'yung play," kuwento ng aktor tungkol sa kanyang karanasan.

Nanaig naman ang pagiging aktor ni Martin sa pagtungtong niya sa entablado.

"The moment na lumabas na ko sa stage, parang nawala lahat 'yun. Kasi hindi mo naman makikita 'yung audience, parang maa-isolate ka sa world ng istorya ng Anino sa Likod ng Buwan," lahad niya.

Nanibago man daw siya tuwing naririnig ang reaksyon ng mga manonood, na-e-encourage din daw siya nito.

"Nagulat na nga ako the moment na makarinig ako ng laugh or reaction from the audience. Kasi parang ibig sabihin noon, talagang nakikinig sila. Kunwari natatawa sila, so ibig sabihin invested na sila sa story, nakasakay sila sa story. Mafi-feel mo din 'yung mga awkward silences and 'yung mga silence dahil sa tensiyon doon sa mga eksena. Masaya ako na sobrang engaged noong mga tao while watching," kuwento niya.

Masaya din daw siya sa laht ng mga pagbating natanggap niya. Matatandaang isa ang award-winning film and theater actress na si Dolly de Leon sa mga kumausap at pumuri kay Martin pagkatapos ng special preview ng dula.

"Maraming nag-ge-greet sa akin na mga tao from work, from play, from people who I idolize. Nakaka-flatter 'yung mga comments nila, nakaka-inspire. It makes me want na mag-start na 'yung play. Nakaka-excite. Nitong una, kinakabahan ako, pero right now mas nanginibabaw na 'yung excitement na mag-start na 'yung regular run ng Anino sa Likod ng Buwan," ani Martin.

A post shared by PalabasTayo (@palabastayo_)


Muling itatanghal ng kumpanyang Idea First ni Jun Robles Lana ang "Anino sa Likod ng Buwan" ngayong 2025 sa PETA Theater Center mula March 1 hanggang March 23.

Available ang tickets nito sa Ticket2Me.

Samantala, bahagi si Martin ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Gumaganap siya dito bilang kontrabidang si Ivan, ang tinik sa tagiliran ng bidang si Lolong na karkater naman ni primetime action hero Ruru Madrid.

Abangan si Martin sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.